Josh Ford at Ralph De Leon, evicted na sa 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition'

5 days ago

Advertisement:

Evicted ang duo nina Josh Ford at Ralph De Leon sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”

Kabilang ang kanilang duo na nominado noong nakaraang linggo, kasama sina Shuvee Etrata at Bianca De Vera, at Dustin Yu at Xyriel Manabat.

Nakatanggap ang Josh-Ralph duo ng pinakamababang porsyento ng mga boto para makaligtas, na may kabuuang 32.35%.

Nakuha ng tambalang Dustin-Xyriel ng pinakamataas na porsyento, 34.82%, habang sina Shuvee at Bianca ay nakakuha ng 32.83% ng mga boto.

Ang episode nitong Sabado ang ika-apat na eviction night ng season.

Sina Ashley Ortega at AC Bonifacio ang mga unang housemates na lumabas sa edition, na sinundan nina Charlie Fleming at Kira Balinger.

Si Michael Sager at Emilio Daez naman ang pinaalis noong nakaraang buwan.

Napanonood ang mga bagong episode ng “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition” sa GMA Network ng 10 p.m. tuwing weekdays at 6:15 p.m. sa weekends. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

Read Entire Article