Bobot Mortiz, pinangalanan ang top 5 comedians sa kaniyang 'dream project'

2 weeks ago 6

Advertisement:

Inihayag ni Bobot Mortiz sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes ang mga komedyante na gusto niyang makasama sa isang proyekto.

Sa naturang episode, tinanong ng King of Talk ang veteran actor at director na si Bobot kung sino sa mga komedyante ngayon ang mga nais niyang maging bida kung gagawa siya ng dream project na comedy.

Tinukoy ni direk Bobot sina Michael V,  Bossing Vic Sotto, Vice Ganda, at Vhong Navarro.

Ang pang-lima at pang-huli, si Iggy Boy Florez na galing sa comedy show na Going Bulilit.

Sa Fast Talk segment, sinabi ng actor-director na magaling siyang magpatawa, at hindi siya natatawa sa mga patawa na over-acting.

Sabi pa ni Bobot, minsan lang siya maging seryoso.

Bukod sa pagdi-direk, bumalik din sa pagkanta si Bobot at naglabas ng kaniyang album na "Goin Standard."

Ayon kay Bobot, mga paborito niyang awitin noong binata siya at may kaugnayan sa kaniyang buhay ang mga kantang laman ng album. --FRJ, GMA Integrated News

Read Entire Article