Manager ni Jennylyn Mercado, ipinaliwanag kung bakit wala ang aktres sa bagong GMA Station ID

2 days ago 4

Advertisement:

Naglabas ng pahayag ang manager ni Jennylyn Mercado para linawin ang mga maling haka-haka kung bakit wala at hindi kasama ang aktres sa bagong GMA Station ID.

Ayon kay Becky Aguila, nananatiling loyal sa GMA at hindi lumilipat ng ibang network si Jennylyn "for as long as her mother network wants her to stay."

Ipinaliwanag din ni Becky na "unavailable" lang si Jennylyn nang araw na gawin ang shoot ng station ID.

"Rest assured, GMA extended an invitation to her, which we very much appreciate," anang talent manager.

Nitong nakaraang Biyernes inilabas ang naturang bagong station ID ng GMA, at agad na napansin ng mga manonood na wala si Jennylyn.

Kasabay nito, nilinaw din ni Becky para kay Dennis Trillo, ang umano'y komento ng aktor sa Tiktok na "may ABS pa ba?" nang matangong tungkol sa hinalang paglipat ni Jennylyn sa ibang network.

Ayon kay Becky, hindi si Dennis ang nagkomento.

Kinalaunan, inihayag ng kampo ng aktor na na-hack ang Tiktok account nito.

"Dennis is very humble and respectful and known to be a man of few words," anang talent manager.

Sinabi pa ni Becky na hindi naglalabas ng komento si Dennis na nakakapanakit sa damdamin ng iba, "most specially to his former colleagues in ABS-CBN, where he was first launched via Star Circle."

"His account was hacked yesterday as what our official statement said," ani Becky.

Katatapos lang ang pinagbidahang series ni Jennylyn na "Love. Die. Repeat," na nagsilbing comeback project niya matapos niyang at alagaan ang anak nila ni Dennis na si Dylan.

Samantala, kasama naman si Dennis sa upcoming series na "Pulang Araw," na kinabibilangan nina Alden Richards, David Licauco, Barbie Forteza at Sanya Lopez.--FRJ, GMA Integrated News

Read Entire Article